Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sisikapin ng kanilang departamento na mapatagal ang nagiging bentahan ngayong ng P20 rice sa publiko.
Ito ay matapos na humirit ang mga konsyumer na sana pang-habangbuhay na ang magiging bentahan ng P20 rice sa mga pamilihan at mga Kadiwa Stores dahil nakikitang malaking tulong ito sa mga pamilyang bahagi ng vulnerable sector sa kabila ng matataas na bilihin.
Ayon kay Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, mayroong sapat na pondo ang kanilang departamento at maging sapat na stocks ang National Food Authority (NFA) para sa programa na aabot hanggang katapusan ng taon.
Kaliwa’t kanan rin kasi kung mamili ng mga palay ang kanilang ahensya mula sa mga lokal na magsasaka para sa pagpapatuloy ng pagiimbak ng NFA.
Samantala, ilang araw mtapos ilunsad sa National Capital Region (NCR) ang programa ay mabilis na dinudumog ngayon ang mga pamilihan at Kadiwa sites sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila kung saan mabibili ang naturang bigas.