-- Advertisements --

Pormal nang idineklara ng pamunuan ng Department of Agriculture ang Nueva Vizcaya bilang ‘ginger capital’ ng bansa.

Ayon kay DA Sec. Francisco P. Tiu Laurel, Jr. , kanilang susuportahan ang mga magsasaka ng luya sa nasabing lugar.

Punto ng ahensya na hindi lang ito isang pagkilala sa Nueva Vizcaya bilang ‘ginger capital’ ngunit isang pangako na magpapatuloy ang suporta ng ahensya na siya namang mahalaga .

Pangunahing ginagamit ang luya sa pagluluto at medisina .

Ayon sa DA, kapag nabigyan ito ng suporta ay tiyak na tataas ang product value nito at makakatulong rin upang mapataas ang kita ng mga smallholder farmers sa Nueva Vizcaya at sa mga lugar sa Cagayan Valley.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang Nueva Vizcaya ang may pinakamataas na produksyon ng luya noong nakalipas na taon kung saan aabot sa 7,140 metric tons ang naani mula sa 933 ektarya ng lupain.