Balak na umpisahan ng Department of Agriculture (DA) ang ikalawa ng kanilang inisyatibo na pagbebenta ng P20 rice sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron na” sa mga local government units sa darating na Hulyo ng habang ilulunsad naman ang Phase 3 nito sa Setyembre ng kasalukuyang taon.
Sa isang pulong balitaan na ginanap sa mismong tanggapan ng departamento, inanunsyo ni Assistant Secretary for Special Concerns and Official Development Assistance (ODA) and Spokesperson Engr. Arnel De Mesa na nais nang umpisahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang rollout ng mga bigas sa ilalim ng programa sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa partikular na sa bahagi ng Mindanao na siyang nakakaranas pa rin ng mataas na antas ng kahirapan.
Ilan sa mga pangunahing lugar na tinitignan sa bahagi ng Mindanao ay ang Zamboanga Del Norte na nakapagtala ng poverty incidents na hindi bababa sa 37.7% at ilang bahagi rin ng Bangsomoro Autonomous Region.
Samantala ayon sa mga datos na inihayag ni National Food Authority (NFA) Administrator Dr. Larry Lacson, kasalukuyan ay sapat para sa 10.7 days o nangangahulugan na mayroong kabuuang bilang na 409,000 metric tons na siyang katumbas naman ng 8.187 milyong mga sako ng milled-rice ang kasalukuyan nilang buffer stocks.
Ani Lacson, batay sa mga numerong ito, sasapata hanggang Disyembre ang kasalukuyang nakaimbak na bigas sa kanilang mga warehouses at maaari pang sumbora depende sa magiging resulta ng harvest season ngayong papasok na ang panahon ng tag-ulan.
Samantala, pagtitiyak naman ng ahensya, patuloy sa pagbili ang NFA ng mga palay mula sa mga lokal na magsasaka habang patuloy naman din sa pagbebenta ng P20 rice sa mga mmamayang pilipino na bahagi ng vulnerable sector gaya ng mga buntis, senior citizens at persons with disability ang departamento para sa mas abot kayang bigas.