-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa bansa si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa susunod na linggo.

Kinumpirma ito ng Deparmtent of Foreign Affairs (DFA) kung saan makakapulong niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa DFA na mahalaga ang nasabing pagbisita ni Fiala para mapatatag ang ugnayan ng dalawang bansa.

Nakatakdang talakayin ng Pangulong Marcos at Fiala kung paano mapalakas ang bilateral relationship ng dalawang bansa ganun din ang defense cooperation, trade at investment.

Una ng nagkita ang dalawa noong kapwa dumalo ang mga ito sa 45th Association of Southeast Asian Nations-European Union (Asean-EU) Commemorative Summit na ginanap sa Brussels, Belgium noong Disyembre.