-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na gagamitin ang Blue Eagle Gym ng Ateneo para sa laro ng Gilas Pilipinas at Guam sa Disyembre1.
Ang nasabing laro ay bahagi ng first window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Unang maglalaro ang Gilas Pilipinas sa Guam sa darating na Nobyembre 28.
Target ng Gilas Pilipinas na makapasok sa FIBA Basketball World Cup sa 2027 na gaganapin sa Qatar.
Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang Gilas sa Ateneo Gymnasium kung saan kadalasan ay sa Smart Araneta o sa Mall of Asia Arena.
















