-- Advertisements --

Kasama na ang Czech Republic sa listahan ng mga bansa na sakop nang travel restrictions na ipinapatupad ng pamahalaan.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang mga foreign passengers mula o galing sa Czech Republic ay bawal na pumasok ng Pilipinas simula Enero 28, 2021 nang alas-12:01 hanggang Enero 31, 2021.

Papayagan naman na makapasok ng Pilipinas ang mga Pilipino na galing s Czech Republic pero kailangan dumaan sa testing at sumailalim sa quarantine protocols.

“It is underscored that passengers who are allowed entry to the Philippines (Paragraphs 2 and 3) need to undergo RT-PCR test upon their arrival. They have to be quarantined until the result of a subsequent RT-PCR test, which is administered on the fifth day of the quarantine is released,” ani Roque.

Ang mga nagnegatibo sa dalawang RT-PCR test ay iendorso pagkatapos sa kanilang local government units, na siyang inaatasan na striktong magbantay sa kanila sa nalalabing bahagi ng 14-day quarantine.

Nauna nang nagpatupad ng travel restrictions ang pamahalaan ng Pilipinas sa ilang foreigners mula sa 35 bansa na may kumpirmadong kaso ng iba’t ibang uri ng COVID-19 variants hanggang sa katapusan ng Enero.

Pero exempted sa travel ban ang mga foreign diplomats at dignitaries, empleyado ng mga accredited international organizations, iyong may mga medical at emergency cases, at asawa o anak ng mga Pilipinong babiyahe pauwi ng Pilipinas.

Ang mga travel restrictions na ito ay ipinatupad ng pamahalaan para maiwasan ang pakalat ng bagong COVID-19 variant.

Bukod sa Czech Republic, narito ang iba pang mga bansa na kasama sa travel restictions ng pamahalaan:

  • United Kingdom
  • Denmark
  • Ireland
  • Japan
  • Australia
  • Israel
  • The Netherlands
  • China (including Hong Kong)
  • Switzerland
  • France
  • Germany
  • Iceland
  • Italy
  • Lebanon
  • Singapore
  • Sweden
  • South Korea
  • South Africa
  • Canada
  • Spain
  • United States
  • Portugal
  • India
  • Finland
  • Norway
  • Jordan
  • Brazil
  • Austria
  • Pakistan
  • Jamaica
  • Luxembourg
  • Oman
  • UAE
  • Hungary