Filipi Toni
Toni Filipi/ IG post

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang heavyweight Croatian boxer na si Toni Filipi.

Siya na ang itinuturing na pangalawang boksingero na nagpositibo matapos dumalo sa European Olympic qualifying event sa London.

Nagsimula ang torneo noong Marso 14 kung saan tatagal sana ito hanggang Marso 24 subalit itinigil na ito matapos ang tatlong araw.

Nagpositibo si Filipi matapos ang dalawang araw ng talunin siya ni Serhii Horskov ng Ukraine.

Nauna ng naiulat na nagpositibo sa virus si Serhat Guler ang Turkish middlewieght boxer at isang Turkish coach.