-- Advertisements --

Arestado ang isang miyembro ng armadong grupo matapos ang isinagawang operasyon sa San Pablo, Laguna.


Kinilala ni PNP chief Police General Debold Sinas ang suspek na si Ramir Edriga Corcolon matapos isilbi ang search warrant para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Narekober sa suspek ang cal. 45 pistol Colt, mga bala, hinihinalang improvise explosive device at hand grenade Mk-2 fragmentation.

Si Corcolon ay miyembro ng ASVAL Criminal Group na sangkot sa gun for hire, gunrunning at robbery extortion sa CALABARZON.

-- Advertisement --

Dinala na ang suspek sa CIDG Laguna Provincial Field Unit para sa documentation at proper disposition.