-- Advertisements --

Personal na nagtungo si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa Ilocos Region at ilang bahagi ng Central Luzon para sa pagpapalkas ng kanilang hanay kasunod ng naging direktiba ni Pangulog Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin ang kaligtasan at pagiging panatag ng mga komunidad sa loob ng bansa.

Unang binisita ni Marbil ang bahagi ng Mapandan sa Pangasinan kung san nagsagawa ito ng inspeksyon sa kasalukuyang operasyon para sa kaniyang direktiba na palakasin ang presensiya ng kapulisan sa buong bansa.

Sinuririn ng hepe ang kapasidad ng mga pulis pagdating sa paggamit ng mga body-worn cameras na siya aniyang magpapakita ng transparency at accountability sa kanilang mga isasagawang operasyon.

Kasunod nito ay nagtungo naman ang hepe sa Camp Olivas sa San Fernando City kung saan ay sinalubong siyani Police Regional Office III Dir. at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo.

Agad ring binisita ni Marbil ang Command Center at kumalap ng mga situational updates at maging ang mga kasalukuyang istratehiyang ipinapatupad sa rehiyon para sa pagpapatupad ng kapayapaan at ng kaayusan.

Samantala, muli namang inihayag ni Marbil na ang seguridad ng bawat pamilyang pilipino ay nakadepende sa kahandaan ng kanilang hanay at sa bilis ng kanilang aksyon.

Ang mga naging pagbisita naman ng hepe ay nagpapakita lamang ng malalim na adhikain ng PNP na maipakitang maaasahan ang kapulisan ng bansa.