Umakyat pa sa 4,477 ang kaso ng coronavirus sa Estados Unidos habang nasa 87 naman ang mga namatay.

Sinasabing ang hardest hit sa US ay ang estado ng Washington at New York na merong parehong mahigit na sa 900 ang mga nahawa.

Sinusundan ito ng California na may 450 cases.

Ang nasa 70 kaso naman ay mula sa naunang mga sakay ng cruise ship mula Japan at sa mga inilikas galing sa China.

Sa ngayon tanging ang West Virginia na lamang ang hindi pa nakapagtala ng kaso.