-- Advertisements --

MANILA – Abril ng susunod ng taon pa raw talaga posibleng magkaroon ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas, ayon sa mga opisyal na nakatalaga para sa vaccine development.

Sinabi ni Food and Drug Administration director general Eric Domingo na naka-depende kung kailan matatapos ang mga isinasagawang Phase 3 clinical trial, ang petsa ng availability ng bakuna dito sa bansa.

Pinaka-ideal na raw ang Abril kung matatapos sa Disyembre o Enero ang phase 3 trials ng candidate vaccines.

“We will only accept registration application for vaccines once the Phase 3 clinical trial has completed and all documents and dossiers are ready for submission.”

Kung maganda raw ang resulta ng nasabing trials, tiyak na mabilis ang magiging proseso nito sa aplikasyon.

Ayon kasi kay Usec. Domingo, kailangan lang ma-secure ng vaccine developers ang lahat ng kinakailangang dokumento sa aplikasyon ng Certificate of Product Registration.

“Usually for new vaccines and products it takes 180 days (evaluation of submitted documents), but for COVID-19 vaccine we have created teams dedicated to it. Ang target namin is 60 days.”

“Hopefully some products will be applying for registration, halimbawa mayroon ng WHO pre-qualification or registered sa isang stringent regulatory authority or FDA counterpart, mas mabilis. Let’s than 60 days, ang gusto ko mga 45 days at the maximum for those who are WHO pre-qualified.”

Sa kasalukuyan, 17 pharmaceutical companies at institusyon sa ibang bansa ang may bilateral agreement sa Pilipinas kaugnay ng COVID-19 vaccine.

Screenshot 2020 09 25 09 15 31
IMAGE | Screengrab from DOH Media Forum, September 25

Ang anim sa kanila nakapag-submit na ng Confidentiality Data Agreement sa atin. Tatlo mula rito ang nasa Phase 3 na ng trials sa kani-kanilang bansa.

Screenshot 2020 09 25 09 17 37
IMAGE | Screengrab from DOH Media Forum, September 25

Bukod sa mga naturang bilateral agreement, patuloy ding inaasikaso ng ating sub-technical working group on vaccines ang trials ng World Health Organization. Itong Solidarity Trial.

Dito mayroong alokasyong P89.1-million at nakalatag na ang mga paghahanda tulad ng 13 hospital sites, at memorandum agreement na nakatakdang pirmahan ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Interior and Local Government.

Ang hinihintay na lang dito ay mapangalanan ng World Health Organization (WHO) kung anong mga bakuna ang isasailalim sa trial, pati na ang pagbuo ng mga opisyal ng epektibong communication plan at team na magmo-monitor sa isasagawang trials.

“The vaccine trials team will proceed with the preparations of facilities. They will recruit and screen the volunteers and that is the time when the trials can already start,” ayon kay DOST Sec. Fortunato de la Pena.

Ayon sa Department of Health, sa huling linggo ng Oktubre naka-schedule na magsimula ang WHO Solidarity Trials sa Pilipinas.