Kanselado ang ilang biyahe sa mga pantalan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng bagyong Crising.
Maliban sa bagyo ay nakakaapekto rin ang habagat na pinalalakas ng bagyo sa lagay ng panahon .
Mula pa kahapon hanggang ngayong araw ay masungit pa rin ang lagay ng panahon at malalakas pa rin ang hampas ng alon ang naranasan ng mga pantalan na pinapatakbo ng Philippine Ports Authority .
Kabilang sa mga Port Management Offices na nagsuspinde ng byahe o operasyon ay ang mga sumusunod;
PMO NCR-South
PMO Bicol
PMO Masbate
PMO Negros Occidental – Bacolod, Banago, at Bredco
PMO Negros Oriental/Siquijor
PMO Western Leyte/Biliran
PMO Eastern Leyte/Samar
PMO Palawan
PMO Misamis Oriental/Cagayan de Oro
PMO Panay/Guimaras
PMO Bohol
PMO Surigao
PMO Zamboanga del Norte
PMO Zamboanga
Sa ngayon ay tiniyak ng PPA na nananatili silang naka alerto sa lahat ng rehiyon na apektado ng masamang lagay ng panahon.
Layon ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong gumagamit ng mga pantalan at mabigyan sila ng tulong o suporta .