-- Advertisements --
Tiniyak ng bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways na isasailalim sa review ang lahat ng proyekto kabilang ang mga flagship infrastructure projects ng administrasyong Marcos.
Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, kailangan itong gawin para matiyak ang maayos na implementasyon ng mga proyekto.
Pero sabi ni Dizon, unang rerepasuhin ang flood control projects na nagdudulot ng pasakit sa publiko.
Batid ng kalihim ang pagdurusa ng mga tao tuwing umuulan dahil sa pagbaha kasama na ang pagka-stranded ng mga motorista at commuters.
Sa tanong naman kung kasama pa rin sa iimbestigahan ang nagbitiw na si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, sabi ni Dizon lahat ay pinaiimbestigahan ng Pangulo sa independent commission.