-- Advertisements --

Mapoprotektahan ng hanggang tatlong taon ang mga tao na matuturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Dr. Mocef Slaoui, ang chief medical adviser ng Operation Warp Speed, na magiging epektibo ang nasabing bakuna sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.

Ibinahagi rin ng opisyal na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga bakuna na mabibigyan ng emergency authorization ng US Food And Drugs Adminitration (FDA).

Bukod aniya sa Pfizer-BioNTech ay nakatakda na ring mabigyan ng emergency authorization ang Moderna at ang bakuna na gawa ng Johnsons and Johnson.