-- Advertisements --
Babalik na sa araw ng Miyerkules ang COVID-19 testing ng Philippine Red Cross (PRC) matapos na mabayaran ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) ang kalahating utang nito.
Sinabi ni Senator Richard Gordon, na siya rin ang chairman ng PRC, na nitong Martes ng gabi ay nakabalik na ang COVID-19 testing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dagdag pa ni Gordon na agad na niyang inatasan ang mga PRC secretary general na buksan lahat ang mga laboratories sa buong bansa at buksan ito muli sa PhilHealth.
Magugunitang huminto ang PRC sa COVID-19 testing matapos na hindi pa nakakapagbayad ang PhilHealth ng kanilang pagkakautang na aabot sa P1-billion at nitong Martes ay binayaran na ang kalahati nito.