Inatasan ng Korte Suprema ang Senado, Commission on Elections, Kamara at maging Office of the President na magkumento hinggil sa legalidad ng pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2025.
Sa isinagawang En Banc session ng Supreme Court, naglabas ito ng direktiba para utusan ang mga respondents na ibahagi ang kanilang komento.
Mula kasi sa darating na Disyembre ng kasalukuyang taon, iniurong o ipinagpaliban ang BSKE 2025 sa susunod na taon ng Nobyembre.
Kaya’t inutusan ng Kataas-taasang Hukuman ng mga ito na magkumento ang mga respondents sa petisyong inihain nina Atty. Romulo Macalintal, gurong si John Barry Tayam at iba.
Kinuwestyon kasi ng mga petitioners kung naaayon sa konstitusyon ang batas na nagpaliban sa naturang eleksyon.
Binigyan ng hindi tatagal sa 10 araw ang mga respondents upang magsumite ng kanilang kumento kasunod ng mailabas ang notisya.
Pinag-isa na rin ng Korte Suprema ang mga petisyong inihain sa tanggapan.