-- Advertisements --
Mahigit 1,800 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong araw, umabot na sa 427,797 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng nakamamatay na sakit.
Sa nasabing bilang, 31,402 o 7.3 percent ang aktibong kaso. Sinabi ng kagawaran na 1,893 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 79 ang napaulat na nasawi. Dahil dito, umakyat na sa 8,333 o 1.95 percent ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 474 naman ang gumaling pa sa COVID-19. Dahil dito, ay umakyat na sa 388, 062 o 90.7 percent ang total recoveries.