-- Advertisements --

Asahan ang panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maglalaro mula P1.00 hanggang P1.35 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong mula P1.30 hanggang P1.45 na bawas sa kada litro ng kerosene.

Magkakaroon naman ng P0.30 hanggang P0.75 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Ilan sa mga nakitang dahilan ng DOE ng bawas presyo ay ang desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dagdagan ang produksyon sa langis sa buwan ng Hunyo.

Kasama rin ang hindi pa tiyak na resulta sa trade talks sa pagitan ng US at China.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo kung saan kadalasan itong ipinapatupad sa araw ng Martes.