-- Advertisements --

Pinabulaanan ni actress-host na si Toni Gonzaga ang mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa umano’y problema sa kanyang pagsasama ng asawang si filmmaker Paul Soriano sa isang social media live session noong Martes.

Matapang na sinagot ng host ang mga netizen ukol sa kung sila ba umano ni Paul ang tinutukoy na “power couple” sa isang blind item na kumakalat online.

Ayon kay Toni, hindi niya bibigyan ng oras ang aniya’y mga walang saysay na tanong.

“Do not waste time sa mga nonsense, okay? It’s a waste. And dapat mga waste, fina-flush sa CR,” pahayag ni Toni sa kanyang live broadcast.

Matatandaang noong Hunyo 2025, muling nag-renew ng kanilang wedding vows sina Toni at Paul bilang pagdiriwang ng kanilang ika-10 anibersaryo.

Ikinasal ang dalawa noong 2015 sa Taytay, Rizal.

Sa ngayon may dalawang anak sina Toni at Paul na sina Seve at Polly.