Pinabulaanan ni Gerald Anderson ang mga kumakalat na isyu hinggil sa kanilang break-up ni Julia Barreto sa isang panayam kay Toni Gonzaga.
Ayon sa Aktor, wala silang problema at maayos ang kanilang relasyon.
‘Everyone thinks that you and Julia have broken up,’ ani toni at sumagot si Anderson na, “No, we’re okay.”
Matatandaan na kumalat ang mga balitang hiwalay na sila matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nagpo-post ang magkasintahan sa kanilang mga social media account.
Pinaliwanag din ni Gerald na siya mismo ang naghatid kay Barretto sa airport bago ang interview, patungong Dubai, at binanggit na hindi tinanggal ni Julia ang mga litrato nila sa Instagram.
Bagamat inamin ni Gerald na may mga pagsubok silang pinagdadaanan sa loob ng limang taon nilang relasyon ay sinabi nitong naging daan lamang iyon para lalo pang tumibay ang kanilang relasyon.
‘There were many bumps in the road but I think they are all blessings because it made us even stronger,’ pahayag Gerald.
Pagdating naman sa usapin ng pagpapakasal, inamin ni Anderson na naiisip na niyang mag-settle down “Thirty-six na ako. Kailangan ko na ng anak,” aniya.
Pinabulaanan din ng Aktor ang mga akusasyon ng pagiging isang womanizer at cheater. “Alam niyo kung sino ang mga naging girlfriends ko e. ‘Pag sila ‘yung girlfriend ko, sila talaga,” paglilinaw niya.
Sa huli, sinabi ni Gerald na marami siyang natutunan mula sa mga nakaraan niyang relasyon, at inamin niyang may mga pagkakataon na naging makasarili siya, kaya’t nagkaroon ng pagkukulang sa pagiging partner.