-- Advertisements --

Inamin ni Gerald Anderson na siya ang may kasalanan sa kanilang breakup ni Julia Barretto, ngunit mariing itinanggi niya ang mga paratang na may kinalaman siya kay volleyball player Vanie Gandler.

Sa vlog ni Ogie Diaz, nilinaw daw ni Gerald na hindi niya kilala si Vanie at wala umano silang communication nito. Aniya, may iba pang dahilan ang paghihiwalay ni Julia at Gerald ngunit pinili daw ni Gerald na huwag na itong ilahad.

‘Una na dyan ay ang kanyang paglilinaw na hindi si Vanie Gandler ang dahilan,’ paglalahad ni Ogie.

‘Matagal na raw itong Vanie Gandler issue pero ito’y wala raw katotohanan talaga,’ dagdag nito.

Aminado rin umano si Gerald na labis siyang nasaktan sa mga bashers at umaasa na matapos na ang isyu.

Maalalang inihayag ng mga talent agency nila noong Setyembre 18 ang kanilang breakup. Wala pang pahayag mula kay Julia at Vanie tungkol sa isyu.