-- Advertisements --

Higit 1,000 mga bagong kaso ng COVID-19 ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw ,kaya naman pumalo na sa 63,001 ang total ng tinamaan ng sakit sa bansa.

Ayon sa DOH, galing sa submission ng 76 mula sa 84 laboratoryo ang 1,841 new cases.

Mula sa total ng confirmed cases, mayroong 39,593 na active cases o nagpapagaling.

Binubuo ito ng 90.3-percent na mga mild, 8.8-percent na mga asymptomatic, at 0.4-percent na parehong severe at critical cases.

Sa mga recoveries naman 311 ang nadagdag kaya ang total ng mga gumaling ay nasa 21,748.

Ang total deaths ay 1,660 na dahil sa bagong 17 na naitalang namatay.

Paliwanag ng ahensya, 106 na mga duplicate ang tinanggal total case count. Kabilang daw dito ang tatlo na unang inireport bilang recoveries.