LA UNION – Nadagdagan ng isa ang bilang ng Covid 19 cases sa buong Region na may total na 107.

Mula sa nasabing bilang 79 dito ang gumaling at 12 naman ang naitalang namatay.

Pinakamarami pa rin ang lalawigan ng Pangasinan na may 55; Dagupan City, 22; La Union, 22; at kapwa apat naman sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Kaugnay nito, nananatiling pito ang nasa pagamutan; pito ang nasa facility quarantine; at dalawa ang naka home quarantine.

Samantala, nasa 3, 643 ang nagnegatibo sa lumabas na laboratory result ng mga ito, 143 ang pending result; at 219 ang walang specimen.

Sa ngayon walang naitalang probable cases kaugnay ng nakamamatay na virus.