Nadagdagan pa ng 2,379 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa ulat ng ahensya, pumalo na sa 356,618 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas. Pero 14 pang laboratoryo ang hindi nakapag-submit ng report sa COVID-19 Data Repository System kagabi.
Lumalabas na sa Quezon City galing ang pinakamaraming porsyento ng mga bagong kaso na aabot 172. Sumunod ang Rizal (147), Bulacan (136), Caloocan City (117) at Cavite (101).
“Of the 2,379 reported cases today, 1,580 (66%) occurred within the recent 14 days (October 5 – October 18, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (444 or 28%), Region 4A (317 or 20%) and Region 3 (181 or 11%).”
Nasa 39,808 pa ang active o mga nagpapagaling na kaso ng sakit matapos mabawasan sa Oplan Recovery.
Aabot na sa 310,158 ang mga gumaling matapos madagdagan ng 14,941. Ang total deaths naman ay nasa 6,652 dahil sa dagdag na 50.
“Of the 50 deaths, 18 occurred in October (36%), 14 in September (28%) 8 in August (16%) 6 in July (12%) and 4 in June (8%). Deaths were from NCR (31 or 62%), Region 3 (7 or 14%), Region 4A (5 or 10%), Region 6 (2 or 4%), Region 4B (2 or 4%), Region 1 (1 or 2%), Region 11 (1 or 2%), and BARMM (1 or 2%).”
“99 duplicates were removed from the total case count. Of these, 84 recovered cases and a death have been removed. Moreover, 11 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”