-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DoH) pumalo na sa 507,717 ang kaso ng covid sa bansa matapos madagdagan ng 1,783 na mga bagong nahawaan ng nakamamatay na sakit.

Ayon sa DOH, ang Quezon City ngayon ang may pinakamaraming kaso na umaabot sa 99, sumunod ang Rizal na may 83, Manila na 78, Bulacan mayroong 69 at Cavite 66.

Nasa 500 naman ang mga pasyenteng nakarekober sa sakit at mayroon nang total na 467,475 ang mga gumaling.

Nadagdagan naman ng 74 ang mga namatay kaya ngayon ay mayroon nang kabuuang 10,116 COVID deaths.