-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagpapatuloy sa pamamahagi ng face shields para sa mga frontliners sa lalawigan ng Cotabato si Cotabato Vice Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza.

Ito ay bahagi ng kabuuang 10,000 face shields na ipapamahagi ni Mendoza sa buong probinsiya.

Nasa 20 face shields bawat barangay ang naipamahagi ni Mendoza katuwang ang Serbisyong Totoo Team sa Midsayap Cotabato kabilang ang Brgy. Kiwanan, Poblacion 5, Poblacion 1, Upper Bulanan at Arizona.

Kasama sa mga namahagi nito sa mga nabanggit na barangay sina dating Board Member Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan, BM Rose Cabaya, Municipal Councilor Justine Clio Ostique at Liga ng mga Barangay President Alan Ry Mostrales bilang mga kinatawan ni Mendoza.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang bawat kapitan ng mga barangay sa tulong na ibinigay ni VG Mendoza.

Magpapatuloy naman si VG Mendoza at Serbisyong Totoo team sa pamamahagi ng face shield sa ibang mga barangay sa mga susunod na araw.

Kung maaalala, simula nang naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa noong Enero 30, 2020, una nang naipamahagi ni VG Mendoza ang nasa 20,000 face masks.

Maliban sa facemask, nagpapatuloy pa din sa pamamahagi si VG Mendoza sa probinsya ng mga Virgin Coconut Oils (VCOs) na isa sa mga alternatibong paraan sa pag-iwas sa mga nakakahawang mga sakit.

Ang mga ipinamamahaging face masks, face shields at VCOs ay mula sa personal na pondo at inisyatiba ni VG Mendoza.