Malaki ang paniniwala ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na magtatagal ng ilang buwan ang coronavirus pandemic sa kanilang bansa.

Ito ay matapos na lumubo sa 50 porsyento ang nasabing kaso sa kanilang bansa.

Mula kasi sa dating 1,099 ay naging 1,302 ang nasabing bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Nauna ng isinara ng Canada ang kanilang border bilang panlaban sa virus.

Nakatakdang magsagawa naman ng session ang House of Commons para maaprubahan na ang stimulus package.