-- Advertisements --

Binigo ng Converge ang Northport Batang Pier 111-92 sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng FiberXers si Alec Stockton na nagtala ng game-high na 33 points habang mayroong 22 points si Schonny Winston.

Mayroon ng limang panalo at tatlong talo na ang Converge habang ang Batang Pier ay mayroong isang panalo at limang talo.

Mayroon namang 18 points at 14 reboundsi si Justin Arana habang mayroong 10 points at 11 rebounds ang rookie na si Justine Baltazar.

Itinuturing ni Converge coach Franco Atienza. na tila nabunutan sila ng tinik matapos dahil sa nakabangon sila matapos ang pagkabigo nila sa Barangay Ginebra noong nakaraang linggo.

Nasayang naman ang nagawang 23 points, anim na rebounds at anim na assists ni Joshua Munzon at ang 20 points, siyam na rebounds ni William Navarro para sa Northport.