-- Advertisements --

Susubukan umano ng Philippine General Hospital (PGH) na gayahin ang convalescent plasma transfusion para mailigtas ang mga pasyenteng dinapuan ng Coronavirus disase 2019 (COVID-19) dito sa bansa.

Ang naturang pamamaraan ay ginamit na rin sa Wuhan City sa China kung saan sinasabing nagmula ang naturang virus.

Dahil dito, hinimok ng PGH ang lahat ng mga naka-rekober sa naturang virus na mag-donate ng dugo na siyang gagamitin sa convalescent plasma transfusion.

Ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas Del Rosario,ang dugo raw kasi ng pasyenteng gumaling mula sa covid ay nagtataglay ng tinatawag na antibodies na puwedeng gamitin laban sa virus.

Ang mga COVID-19 survivors na nanaising mag-donate ng dugo sa PGH ay i-contact lamang si Dr. Sandy Maganito sa numerong 09178053207.

Ang mga potential donors ay dapat daw na malusog at naka-recover sa COVID-19 at dadaan sila sa pagsusuri upang malaman kung wala silang ibang sakit at kung sila ay eligible na donor.

Sa ngayon ay nasa 52 indibidwal na ang nakarekober sa naturang sakit.