TACLOBAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Barangay San Policarpo, Calbayog City.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Flores, isang contractor, residente ng Barangay Gadgaran ng naturang siyudad.

-- Advertisement --

Ayon kay Col. Andrei Dizon, provincial director ng SPPO, na batay sa inisyal na imbestigasyon nagmula ang biktima sa sports complex sa Calbayog nang bigla ito ng pagbabarilin ng dalawang kalalakihan.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan sa kaniyang agarang pagkamatay.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa naturang insidente.