Chuzon supermart Pampanga quake
Chuzon supermart in Porac, Pampanga levelled to the ground after the 6.1 magnitude quake

Sarado ngayong araw, Abril 23, ang consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng magnitude 6.1 lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Luzon kahapon.

Sa isang advisory, sinabi ng DFA na sarado ang kanilang consular offices ngayong araw alinsunod na rin sa anunsyo ng Malacanang kaninang umaga, base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

-- Advertisement --

Kabilang sa mga saradong consular offices ay ang mga sumusunod:

  • DFA Aseana
  • DFA CO South (Alabang Town Center)
  • DFA CO West (SM Manila)
  • DFA CO Central (Robinsons Galleria)
  • DFA CO East (SM Megamall)
  • DFA CO Northeast (Ali Mall)
  • DFA CO North (Robinsons Novaliches)
  • DFA CO Pampanga (SM San Fernando)
  • DFA CO Angeles (Marquee Mall)

Gayunman, pinayuhan ng DFA ang mga aplikante na may confirmed appointments ngayong Martes na bumalik na lamang sa Abril 24 hanggang Mayo 10, 2019.