DAGUPAN CITY- Patay ang isang construction worker matapos makuryente nang mahawakan ang live wire sa ginagawang bahay sa barangay Malanay sa bayan ng Santa Barbara, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Arturo Garcia Sr., 79 anyos residente sa nasabing bayan.

Tinangka pa itong iligtas ng kanyang anak pero namatay din ito.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.