-- Advertisements --
Nagwagi si Conservative leader Friedrich Merz para maging susunod na chancellor sa Germany.
Ito na ang kaniyang ikalawang pagtatangka kung saan pumabor sa kaniya ang boto ng mga parliyamento.
Sa 630-seat secret ballot ng Bundestag ay nakakuha si Merz ng 325 na boto.
Sa kasaysayan kasi ay walang chancellor candidate ang natalo sa Bundestag vote sa loob ng 76 taon mula ng maibalik ang demokrasya sa Germany noong 1949.
Ang 69-anyos na si Merz ay agad na nanumpa sa harap ni President Frank-Walter Steinmeier kasama ang 17 ministers na kaniyang kaalyado.