Pinoproseso na ng Department of Justice (DOJ) na ilagay sa Witness Protection program ang complainant sa kasong child abuse na kinakaharap ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao Regional Trial Court.
Ayon kay Justice USec. Nicolas Felix Ty, sinabi ng complainant na nakakaramdam siyang may mga banta sa kanyang buhay.
Sinabi din ni USec. Ty na kanilang tinitignan na mailipat ang mga kaso mula sa Davao City patungo sa Pasig city.
Kaugnay nito, nagsulat na sila sa court administrator na ipalipat ang lugar ng kaso na inihain sa Davao kabilang ang child abuse at maltreatment.
Sa palagay naman ng DOJ official na sa ganitong mga request, madalas na pinagbibigyan ng korte.
Matatandaan na humaharap si Quiboloy sa mga kasong sexual at child abuse sa Davao city,
Itinakda ng prosecutors ang piyansang P180,000 para sa sexual assault at P80,000 para sa maltreatment.
Liban dito, humaharap din ang pastor sa kasong qualified human trafficking na walang kaukulang piyansa doon sa Pasig court.