Nagpatupad na ng citywide quarantine ang Moscow ngayong Marso 30 para hindi na kumalat ang coronavirus.

Sinabi ni Mayor Sergey Sobyanin, papayagang lumabas lamang ang mga tao na lumabas kapag bibili ng gamot at mga pagkain.

Hindi naman kasali dito ang mga health workers at mga medical o nagtatrabaho sa pagamutan.

Magpapakalat ang gobyerno ng “smart monitoring” system para matiyak na striktong naipapatupad ang nasabing kautusan.