Nagkasundo sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin ng matibay na pagsasama.
Sa ginawang pagbisita ni Xi sa Moscow, ay pumirma sil ang kasunduan para sa mas malalim na samahan nila.
Bago ang pirmahan ay nagkaroon ng pulong ang dalawang lider na aabot sa halos apat na oras.
Ang nasabing pag-uusap ng dalawa ay kasunod ng walang katiyakan sa pahayag ni US President Trump na “America First” diplomacy.
Ayon kay Putin na ang foreign policy partnership sa pagitan ng China at Russia ay siyang susi para magkaroong ng katahimikan sa buong mundo.
Giit ni Xi na ang nasabing samahan ng dalawang bansa ay makikinabang ang lahat.
Nasa Russia si Xi para sa kaniyang apat- araw na state visit kung saan kabilang siya sa dadalo din sa Victory Day military parade ng Russia.