ILOILO CITY – Isinailalim sa inspection ng Task Force on Moral and Values Formation ang commercial sex workers sa lungsod ng Iloilo.

Ito ang bahagi ng pre-Dinagyang advocacy campaign upang maiwasan ang pagkalat ng sakit kasabay ng Dinagyang Festival 2020.

Sa eksklusibong panayam kay Nestor Canong, pinuno ng Task Force on Moral and Values Formation, sinabi nito na ang mga rehistradong commercial sex worker ay mayroong pink card habang green card naman para sa mga freelance sex worker.

Ayon kay Canong, kanilang pinangangambahan ang mga sex worker na hindi rehistrado at hindi nakapagsailalim sa regular check-up na posibleng maging source ng sakit.

Inihayag ni Canong na ayon sa kanilang isinagawang inspection, napag-alaman na karamihan sa mga commercial sex worker ay napilitan lamang na pumasok sa nasabing uri ng trabaho.

Sa tala ng Task Force on Moral and Values Formation, mahigit sa 20 ang freelance sex workers sa lungsod ng Iloilo.