-- Advertisements --
Pinuna ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia ang mga pulitiko na hindi nagpapalit ng mga campaign photos na ginamit ng ilang dekada na.
Giit ng Comelec Chairman na dapat ay maging makatotohanan lamang ang mga kandidato na gumamit ng mga bagong larawan at hindi ang ilang dekada ng larawan.
Plano din nilang patawan ng disqualification ang mga kandidato sa 2025 elections kapag napatunayan ang mga ito na gumamit ng artificial intelligence.
Dagdag pa nito na ang AI at deepfake ay lalong magdudulot ng kaguluhan sa halalan lalo na kapag ginamit ng kandidato ito para magsiraan.
Hindi naman ito sang-ayon sa pagbabawal ng paggamit ng social media sa halalan dahil tila pagbabawal din sa tao ng kanilang freedom of expression.