-- Advertisements --
Pinayuhan ng Commission on Election (COMELEC) ang gobyerno na ipatupad na lamang ang P20 kada kilo ng bigas project pagkatapos ng Mayo 12 midterm election.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay para maiwasan ang alegasyon ng pamumulitika dahil sa proyekto.
Paglilinaw nito na pinayagan lamang nila ng exemption ang Department of Agriculture (DA) bilang suporta sa P20-kilo rice program.
Subalit ang mga local government units na mag-iimplementa ng programa ay sakop ng 10-araw na pagbabawal ng pamamahagi ng anumang uri ng ayuda at social assistance.
Maaring magbenta lamang ang mga KADIWA stores dahil hindi sila sakop ng 10 araw na ban.