Pinasalamatan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang Bombo Radyo Philippines sa komprehensibong pag-uulat, mula sa paghahanda hanggang sa pagdaraos ng halalan.
Ayon kay Garcia, malaking tulong ang nagawa ng Bombo Radyo para sa information dissemination.
Aniya, hindi magagampanan lahat ng poll body nang sila lamang ang gagawa, kaya malaking bagay ang malaganap na nararating ng mga himpilan para marating hanggang sa malalayong lugar ang ating mga kababayan.
Para sa pinuno ng poll body, kaya mas naging mulat at alerto ang publiko sa mga kaganapan sa komisyon dahil sa regular na updates na ipinararating ng network.
Inamin naman ni Garcia na marami pa siyang nais na mabago sa paraan ng halalan, ngunit nagagalak siya na ang iba sa kaniyang mga adhikain ay nasimulan na.
Kabilang na rito ang early voting para sa mga nakakatanda, may sakit at buntis.
Pero kung mapagbibigyan pa umano ay hiling niya sa mga mambabatas na idaan sa lehislatura ang maagang pagboto ng mga nasa vulnerable sector para maipatupad ito hanggang sa mga susunod na halalan.