Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na tumataas ang kaso ng vote buying na kanilang natatanggap.

Dahil dito naglabas ng resolution ang poll body para tutukan ang isyu sa pamimili ng boto.

Nagpasaklolo na ang Comelec sa PNP para sila ay tulungan at matuldukan na ang vote buying at vote selling.

Ayon kay Comelec Law Department Director Atty. John Rex Laudiangco kailangan na nila ng tulong mula sa PNP para matigil na ang pamimili at pagbebenta ng boto.

Aniya ang Task Force Kontra Bigay ay tutulong at mag aasikaao sa mga magsusumbong hinggil sa vote buying.

Naglabas na rin ng hotline ang Task Force Kontra Bigay, at ito ay: 09163309158 at 09475207864.

Tiniyak naman ng poll body na lahat umano ng impormasyon na matatanggap mula sa hotline ay mananatiling confidential.