-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naglabas ng kautusan ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa pagsimula ng extension ng voter registration sa Oktubre 11 hanggang 30, 2021.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sinabi nito na nararapat na unahin ang mga medical frontliners sa voter registration.
Ayon kay Guanzon, hindi na kailangan pang pumila pa ng mga medical frontliners at ang kailangan lang anyang gawin ay magpakita ng identification card o magsuot ng kanilang uniporme.
Nilinaw naman ng opisyal na mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon lang ang voter registration sa mga Comelec offices at malls.