-- Advertisements --
Nananatiling nasa magandang kalagayan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa piitan ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na walang katotohanan na nawalan ng malay ang dating pangulo.
Dagdag ng Bise Presidente na tumawag ang abogado ng dating pangulo at kaniya itong nakausap.
Magugunitang kumalat ang balitang nawalan ng malay ang dating pangulo habang ito ay nasa detention facility ng ICC.
















