-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang pag-extend sa pre-enrollment ng internet voting. Magtatagal na hanggang Mayo 10 ang naturang enrollment.

Bagaman ito ay naurong na, hinimok pa rin ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang Overseas Filipino Workers na mag-enroll pa nang mas maaga. Aniya, paraan din ito ng poll body upang mas marami pang overseas voters ang ma-engganyo na makaboto.

Ang overseas voting ay nagsimula ng Abril 13 at magtatagal sa Mayo 12. At ang lahat ng mga makikiisa sa online voting ay kailangan muna magpapre-enroll para makaboto.