Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY-Patuloy ang ginagawang panghihikayat at pagbibigay ng abiso ng Commission on Elections o COMELEC Dagupan sa lahat ng mga kandidato, nanalo man o natalo kaugnay sa pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ayon kay Dagupan Comelec Officer Atty. Michael Sarmiento, kumukonsulta ang mga kandidato sa kanillang tanggapan para malaman kung paano iacomplish ang kanilang SOCE.

Nag-iisa pa lang kasi aniya ang kandidato na nakapagsumite ng SOCE.

Inaasahan naman aniya nila na sa darating na June 11, magdadagsahan ang mga kandidato sa kanilang tanggapan upang mag file ng kanilang mga SOCE bago pa man sumapit ang itinakdang deadline.

Giit ni Sarmiento, wala pa silang natatanggap mula sa mga kandidatong nanalo sa posisyon ng alkalde at bise alkalde ngunit nakausap na din aniya nila ang bawat representative ng mga ito at naipaliwanag na ang dapat nilang gawin upang maiwasan ang anumang aberya.