-- Advertisements --

Nanawagan ngayon ang Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng ating mga kababayang biktima ng kalamidad na makilahok pa rin sa halalan sa Mayo 9.

Base sa data ng poll body ang bilang daw ng mga internally displaced people (IDPs) na napilitang likasin ang kanilang mga bahay dahil sa digmaan, karahasan at mga kalamidad ay aabot sa 20,000 na pamilya.

Pero data ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na as of May 2 ang naturang mga bilang ay mula sa Regions 5, 6, 6 at 8 ay nanatili sa mga evacuation centers o sa kanilang mga kamag-anak dahil pa rin sa epekto ng bagyong Agaton.

Ayon sa DSWD as of April 29, nasa mahigit 1,800 na pamilya daw na pamilya ang nananatiling displaced mula sa Regions 6, 7, 8, MIMAROPA at Caraga region dahil sa bagyong Odette.

Maging ang mga residenteng na-displace sa digmaan sa Marawi City noong 2017 ay nananatili pa rin daw sa mga temporary shelters.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang ang pagboto ay pantay-pantay na karapatan ng bawat Pilipino.

Pero dini-discourage naman ni Garcia ang mga botanteng bumoto kapag kailangan daw bumiyahe pa ng malayo para makaabot sa kanilang polling precincts.

Una rito, nagbabala ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na isang non-partisan legal network na sumasali sa mga election work na vulnerable daw sa mga kampo ng mga pulitiko ang pagbibigay ng libreng transportasyon sa mga botanteng nasa evacuation centers.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa Comelec na magbigay na lamang ang mga ito ng libreng sakay para sa mga IDPs para maprotektahan ang mga ito sa mga politicians na posibleng magtangkang mang-impluwensiya sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pabor.

Dagdag ng LENTE, isa raw sa mga hamon ngayon ng mga taong nananatili sa mga temporary shelters ang limitadong access sa impormasyon kaugnay ng nalalapit na halalan maging ng mga kandidato.

Una nang sinabi ng Comelec na magtatayo ang mga ito ng temporary election centers sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyong Agaton at Odette para magkaroon ng pagkakataon ang mga residenteng makaboto.