Nagkaroon ng pagpirma ng Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng Commission on Elections (COMELEC) at mga organisasyon na tutulong sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre. Kasama sa mga pumirma ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Movement for Free Elections (NAMFREL), National Youth Commission (NYC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at iba pang organisasyon.
Kaugnay ng paghahanda sa Barangay and Sanggunian Kabataan (BSKE), sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na suportado niya kung sakaling gawing hybrid ang botohan para sa Barangay.
Aniya, kokonti lang naman daw ang kailangan gawin sa pagboto kaya maaari itong maisagawa. Ngunit paglilinaw niya na kung ito ay isusulong, kailangan ng panibagong batas at dagdag na budget.