-- Advertisements --

Binawasan na ng Commission on Elections ang araw sa withdrawal ng Certificate of Candidacy at paghain ng substitute candidates para sa 2025 elections.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, layon nito ay para maiwasan ang mga political groups na samantalahin at lokohin ang mga tao kung sino ba ang kanilang tunay na kandidato.

Itinakda ng Comelec ang Oktubre 8 para sa mga kandidato na maghain ng kaniyang COC bilang substitute candidate.

Dagdag pa ni Garcia na mula Oktubre 1 hanggang 8 ay siyang period ng paghain ng candidacy , papayagan nilang mag-withdraw ang mga kandidato pero pagtapos ng Oktubre 8 ay wala ng palitan ng kandidato.