Handang magsuplay sa bansa ng mga karne ng baboy at baka ang bansang Colombia.

Ito mismo ang inihayag ni resident ambassador ng Colombia sa Pilipinas na si Marcela OrdoƱez Fernandez kasabay ng pagpresenta niya ng kaniyang credentials kay Pangulong Rodrigo Duterte.

-- Advertisement --

Sinabi nito na nais nilang tulungan ang bansa para maibsan ang problema ng suplay ng karne ng baboy.
Magugunitang nagpatupad ang gobyerno ng price ceiling sa mga karne ng baboy at baka dahil sa kakulangan ng suplay bunsod ng African swine fever.