-- Advertisements --
COLEGIO DE SAN LORENZO

Nag-anunsiyo ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.

Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment.

Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para sa school year 2022-2023.

Idinagdag pa nito na tutulong din ito sa mga mag-aaral sa paglipat sa ibang mga paaralan sa pamamagitan ng paglalabas ng kanilang mga rekord at kredensyal.

Ang Colegio de San Lorenzo ay umaabot na rin sa tatlong dekada ang operasyon.

Noong nakaraang buwan, ang Kalayaan College, na matatagpuan din sa Quezon City, ay nag-anunsyo na tatapusin ang operasyon nito pagkatapos ng 22 taon “dahil sa patuloy na pagkalugi sa pananalapi na dulot ng pagbaba ng populasyon ng mga mag-aaral at pinalala ng mga hamon na dulot ng patuloy na pandemya.”

Sa unang bahagi ng taong ito, ang 107-taon na rin na College of the Holy Spirit sa Mendiola Street sa Maynila ay tumigil din sa operasyon dahil sa kahirapan sa pagpapataas ng enrollment na pinalala ng coronavirus pandemic.